19 Years Ago

Nineteen years na pala since mangyari ang “People’s Power” revolution sa EDSA. Fourth year high school ako noon, saya nga kasi halos wala kaming ipinasok sa school noong Feb 1986. Nag-snap election kasi ng Feb 7, tapos 1 week kaming walang pasok before the election and 1 week after the election.

But it was not that happy for me, while my classmates are enjoying their vacation, I was helping my Tatay (with my 2 bros) building a comfort room in a nearby school. Si erpat kasi naka-kontrata ng isang school toilet so lahat ng “abled-body” sa family tutulong sa construction.

I wasn’t there, how I wish andun ako. Parang ang sarap ng feeling kung andoon ka, you see the history unfold before your eyes. But for us, food on the table is much more important than participating in the events.

While I was busy helping my father & siblings I was wishing na sana tapos na ang kahirapan ng mga Pinoy. Sana eto na ung hinihintay ng mga tao na pagbabago, sana di na kailangan uling umalis ni Tatay para magtrabaho sa Saudi.

Nineteen years have passed, pero di ko nakita ang pagbabagong pinangarap ko. The promise of EDSA never came into reality, a year after EDSA Tatay left to work in Saudi. And most of us followed Tatay’s trail.

Now I am here, 19 years after EDSA pero wala namang nabago sa buhay ko, hindi lang sa akin, siguro I can speak for most of the Filipinos. Inalis lang natin si Makoy, pinalitan ng biyudang naka-dilaw. Ibinalik lang ng biyudang naka-dilaw ang mga kompanyang inagaw ni Marcos sa “tunay na may-ari” nito. At ang mga kompanyang ito naman ang nagpapahirap sa atin.

Replay na lang sabi nga ng isang kanta, paulit-ulit lang ang takbo ng pulitika sa Pilipinas. Our politics are driven by economic interest, Cory favored the Lopezes, Eddie favored foreign investments, Erap favored Danding & Lucio Tan. Sad to say, nobody favored the Filipino People.

Sabi nga ng YaNo:

Kamusta na?
Kaya pa ba?
Ang buhay natin,
Ayos pa ba?
E kung hinde,
Paano na
Ewan ko ba
Bahala na

Yes I am complaining, sayang lang ang ipinunta ng mga tao sa EDSA noong 1986, 20 taon naghari si Marcos, nagsawa ang tao, ngayon 19 na taon na naghahari ang pagpapahirap sa tao, isang taon pa ba? Isang taon pa ba bago natin ma-realize na pareho lang, o mananatili na lang tayong kibit-balikat.

3 Responses to “19 Years Ago”

  1. hello bro…first visit ko sa site mo (got it from pinoy blog). ok site mo, malinis at organized. anyway, i think i’ll agree on your sentiments about the EDSA Revolution. Overwheled tayo sa nangyari noon, that the great dictator was thrown out at sumibol ang bagong pag-asa. Pero lumipas ang 19 taon, mas mahirap ang buhay, marami pa rin ang kawawa.

    Sana dumating ang araw na magising ang bawat isa sa atin, mamulat sa kakulangan ng ating sosyodad at magpahalaga sa tunay na kahulugan ng pagkakaisa…sana.

  2. Yeah i guess you’re right, sayang yung effort. but thinking twice, hindi ba mas magiging sayang kung hindi naganap iyon? hindi man naging tagumpay ang pagbabago noon, well siguro… sa darating na panahon.

    hindi man iyon naging dahilan ng isang malaking apoy, pero malaking tulong ang isang baga para makalikha ng apoy… sa darating na panahon.

    Maaaring ihambing ang mga panulat mo sa isang baga.

    Ako man ay nagrereklamo, pero hindi nagmamadali.

  3. Metal, the kid, salamat sa dalaw.

    Salamat sa mga inputs, Hanggang sa muli.

Leave a Reply