9 mornings
bukas ang last day of work namin, pagkatapos nito ay 9 days kaming walang pasok. yeps, you heard it right, parang pelikula ni piolo pascual at donita rose, 9 mornings na hindi ko kailangang gumising ng maaga (teka parang baligtad). anyways, holiday kasi dito dahil nga tapos na ang ramadan at ito yung tinatawag nilang eid al-fittr1.
ang masakit, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko during that very long holiday. napakasakit naman kuya eddie kung tititigan ko lang ang puting kisame namin at hintaying magkalaglag ang mga agiw at pintura doon. sa ngayon pa lang ay nakikita ko ng iiyak ang dvd player dahil malamang sa hinde ay dvd marathon na naman ako nito.
naiisip kong sayang, kung nasa pilipinas ako (o kaya naman nasa ibang panig ng mundo) marami akong pwedeng gawin at puntahan. yung lugar na feel mong safe ka at pwede kang mag-enjoy, pwede kang lumabas ng bahay na suot mo ang komportable mong damit, shorts at maglalakad ka sa kalye na walang sisita sa ‘yo.
na pwede kang pumasok sa mall na hindi ka matatakot na baka sa di sinasadya’y makasagi ka ng babae at baka mahambalos ka. na hindi ka pagbabawalang pumasok sa mall dahil “single” ka, makakasakay ka sa taxi at di natatakot na ma-reyp ng taxi driver.
isang lugar na kahit ilang beses mo nang napuntahan mo na ay di ka nagsasawang balikan, putragis, homesick na talaga ako!
ano nga kaya ang pwedeng gawin sa siyam na araw?
- feast of the breaking of the fast [↩]



dude, magbilang ka ng mga tala (stars in english
)…. at tignan natin kung magkasing dami ang mga stars jan, at dito sa ‘Pinas. game?
alam ko na pwede mong pagkaabalahan… try mong punuin ng tubig ang inidoro niyo!