a walk at the bay: wedding shot by the bay
after shooting the kids, naglakad pa ako ng konti sa baywalk, at ito ang nakita ko!
photo ops! aktwal na kasal ito, naisipan siguro ng photographer na idaan sa baywalk ang bagong kasal at mag-picture taking dito.
isang senyas lang sa photographer, asking permission to shoot at nag-shoot agad ako, he allowed us naman, marami ding naka-abang, apat yata kaming lahat.
nag-iba na nga talaga ang trend ng wedding photography sa ngayon. bukod sa lumalaki na ang presyo, marami ng pagbabago sa istilo ng pagkuha at final product.
hindi na nagkakasya sa preparation, simbahan at reception, bawat studio at photographer’s ay gumagawa ng kakaibang gimik.
after this, dumerecho ako sa picc to witness the wedding fair na ginaganap doon. grabe ang mga presyo, imagine a photo coverage worth 100 thousand?!# @%&!!! parang gusto ko na talagang maging wedding photographer!


uso na actually yang dumadaan pa kung san-san for photo ops… side from pre-nuptial picture-taking, and yung photo booth at the reception… madami na talaga gimiks and what-nots
bakit hindi ka mag-sideline as 2ndary photographer??? hindi ganun ka-demanding and all you need to do is give them a cd of the pictures… for P3k – P5k (pag baguhan pa lang) for a day, hindi na masama yun ha…
Totoo yang presyo na yan, master! Yung friend ko will get married this April at ang bayad nila sa photo coverage nila is P95k, discounted pa yan!
Parang nakakahiya yatang magposing-posing sa public place…hehehe.
Ang gaganda naman kasi ng mga finished products sa photography ngayon kaya sulit yung babayaran mo