ang sarap matulog

home alone na naman ako kagabi, but unlike the other night na pinili kong mag-online kagabi iba ang ginawa ko. may party ang company nila deks sa intercon, si niko naghatid ng padala n’ya para kay liezl (di ko na sasabihin ‘yung pangalan ng isa. peace bro!).

dahil nga walang tv, trip ko na lang makinig ng music gamit ang aking mp3 player, prepare ng tea at yosi sa rooftop, naupo ako sa ladder ni lakay at nagmuni-muni, tahimik ang paligid (except sa tunog ng busina at ingit ng mga gulog), the i saw this view.

Jubail @ Night

yan ang itsura ng jubail sa gabi from our rooftop.

Balance of Poweri decided to get inside & grab a book, matagal ko ng iniwan ang pagbabasa ng librong iyon, balance of power by richard north patterson nabili ko siya last october 2004 sa book sale outlet sa sm bacoor. i did not start reading it until i’m done with his other novel, dark lady.

di na yata ako talaga sanay magbasa, barely 5 chapters ay para ng may nagbabaging sa mga pilik-mata ko at pilit itong isinasara. i tried to continue reading pero parang mas masarap yata ang matulog. siguro nga ay sagad na ko sa puyat at hinahanap na ng katawang lupa ko ang konting pahinga. the last time i got a glimpse of our wall clock was at 9:15 in the evening, the rest hindi ko na namalayan.

nag-alarm ang body clock ko at nagising ako around 2am, sanay na yata talaga ako ng 5 hours na tulog, i decided to continue sleeping until 5:30am. i would admit that it feels good kapag kumpleto ang tulog and i might take a dose of 5 chapters a day para sa aking sleeping pills. :)

6 Responses to “ang sarap matulog”

  1. Sa susunod nga mag basa kang mabuti ha! me deperensensya ba mata m0? heheh!! sabi ng Aptil list yon eh! MAY kapalang kumatok sa bahay ko Men!!! dont wory ginagawa kona ang May bago ako mag vacation.. heheheh!!

    Naku mukhang sinusuyo nani AMA si Ina!! masaya to!!

  2. wow ang ganda ng picture! hehe

    aba emo si master

  3. namimiss ko na ang matulog ng maayos :(

  4. maganda pala tingnan pag gabi ah… makapwesto nga rin sa hagdan…

    hmmm… malayo ang iniisip ni master.. palagay ko bandang weste yan hehehe

  5. bitin naman kuwento!
    letter Y kaya umpisa ng pangalan no’n master? :mrgreen:

  6. ako naman nasanay ng magbasa bago matulog yun naman ang pampatulog ko. ehehehe… sarap ng ganyan. dito samin wala na akong maakyatan, ang tataas narin kasi ng mga bahay sa kapitbahay kaya mga mgakaaksintahan na naglalampungan nalang ang nakikita ko. hehe.:lol:

Leave a Reply