araw ng paggawa
kulang ang maghapon
upang maka-ipon
at makaka-ahon
ang isang dukhakulang din ang pawis
kahit labis-labis
kung ang nagna-nais
ay maralitamanggagawa – gary granada

ngayon ang itinakdang pandaigdigang araw ng paggawa (labor day), para sa karamihan, isa lamang itong holiday, pwedeng magpahinga o kaya naman ay doble ang bayad kapag pumasok.
subalit kung babalikan natin ang kasaysayan, malalaman natin na sa araw na ito 120 taon na ang nakakalipas, ang mga manggagawa ay nakibaka upang paikliin ang oras sa paggawa na noo’y 10-12 oras.
utang natin sa kanila ang tinatamasa nating maikling oras ng pagta-trabaho, para sa akin bilang isang manggagawa, sagrado ang araw na ito. maraming nagbuwis ng buhay upang kamtin natin ang mga benepisyong tinatamasa natin sa ngayon.
the struggle of the working masses never ends there, walang katapusan ang pakikibaka tungo sa isang lipunang kumikilala sa mga taong nagpapatulo ng kanilang pawis upang manatiling buhay ang ekonomiya.
padayon!


Aaminin ko, ngayon kolang talaga nabatid ang history ng araw na ito, at salamat sa inyo. Ngunit napansin ko lang na mas ninanais ng karamihan ng magtrabaho sa araw na ito upang makamtan ang dobleng bayad sa kanila.
Siguro nman kahit sagrado ang araw na ito, mas gugustohin ko parin na may ipakain sa pamilya ko hindi ba? Mahirap isakripisyo ang pangangailan ng pamilya mo. lalo na kung kakarampot lang ang iyong sweldo. Eto na ang oportunity mo na kahit singko e madagdagan ang pang-kain nyo.
Kuya, wag kayong magalit sakin ha. comment lang nman yan. cguro nasa nagpapatakbo din nman ng bansa yan. hay ang layo ng narating ko!!!
wag kang mag-alala TK, ako man ay nagta-trabaho din ngayon.
sa akin lang mahalagang alalahanin natin ang esensya ng araw na ito para sa katulad nating mga manggagawa.
salamat sa comment.
mabuhay ang uring manggagawa!
Weeeeeeeeee.. sa wakas na comment ka narin sa comment ko. kala ko kc ako lang mag isang nag-sasalita dito.
MInsan me kalaliman lang ako, pero mababaw lang kaligayan ko! uy minsan pasyal ka sa bahay ko tapos xlink tayo ha! tenchu po!
maBUhay ang manggagawang Pilipino..!!trabaho na tayo..
Wow.. ganun pala un.. ngaun q lng un nlman n kaya pla 8 hrs a day nlng ang working hours gawa pla un nung sa MAY 1.. thanks guys! sna in d near future 1 hr nlng ang oras ng pagttrabaho. hahahaha. joke! Have Blessed Labor Day
maligayang labor day!
Tama! Saludo ako sa mga manggagawang mga nagtatrabaho ng malinis, ng walang tinatapakan at tapat hanggang kailanman sa kanilang kapwa.
Nararapat lamang ang araw na ito’y gunitain ng may pagpapahalaga.
MABUHAY KAYO!
Mabuhay ang kasaysayan ng mga Mangagawa… ang mga taong nagtatatrabaho para pamilyang sadlak sa karalitaan… tayo nang gampanan ang ating mga kani-kanilang bahagi sa mundo at paunlarin ang adhikaing proletaryo…