Beggars can’t be choosers?

Ang ganda ng regalo ni Tita Glo sa mga manggagawa sa kanilang araw. Inutusan niya kasi ang mga Regional Wage Boards na pag-aralan ang wage hike sa loob ng 30 araw. {applause}

Ang bilis ng aksyon diba? Teka kelan pa ba huling tinaasan ang sweldo ng mga manggagawa. Sa pagkaka-alam ko year 2000 pa yata ang kahuli-hulihang resolution ng NCR-RTWPB (Regional Tripartite Wage & Productivity Board) at ung mga sumunod ay COLA na lang ang dinagdag.

The labor movement is asking for a P 125.oo across the board, mas gusto nila ung legislated wage increase. Mejo mabigat daw sabi ng mga employer (kelan ba sila sumang-ayon sa wage increase). Mejo mahaba-habang labanan yan, unless ma-repeal ang RA 6727 na ipinaglaban ng isang “pro-labor” na senador (Hererra) imposibleng maka-kuha tayo ng isang legislated wage hike. The power of giving wage increase lies in the hand of 7 people (per region), 3 galing sa gobyerno, 2 employer, 2 mangagawa (daw). Now you know bakit ganyan ang lagay natin diba?

Masakit isipin na pag nagdadagdag ng pabigat sa atin mabilis silang umaksyon, pero kung ang pag-uusapan ay karagdagang pasahod ay “inflationary” ang sagot sa atin. Takot silang umalis ang mga kapitalista na naglipatan sa ating bansa dahilan sa mababa ang pasahod sa atin. This is the problem with proxy industrialization, walang matibay na industriya, vulnerable ang ganitong klase ng gobyerno, sa isang kumpas pwedeng lisanin ng mga demonyong kapitalista ang ating bansa at iwan ang nirerentahan nilang industrial space. Pag iniwan nila ito, di na ito pwedeng bungkaling muli at gawing taniman ng palay.

In effect, talagang service oriented lang ang economy ng Pinas, tao lang talaga ang ating pwedeng ibigay, ang with the current “labor-market” situation, kailangang isakripisyo ang buhay nating manggagawa. Ngayon pa na halos nadurog na ang malaking bahagi ng organized labor, at ang naiwang organisadong pwersa ay nag-aagawan lang ng teritoryo at hindi nag-oorganisa ng mga panibagong teritoryo.

This is reality, sabi ni Marx, “Workers of the world unite, you have nothing to loose but your chain”. Unless we organize ourselves, pulubi lang ang tingin sa atin ng kapitalista at ng burukrasya.

Leave a Reply