bentilador
pinagpapawisan sa sobrang init
di mapakali, sa kaldero, sa impiyerno,
ang araw ay galit na galit na galithalik sa araw, rivermaya
sobrang init na talaga ngayon, the average outside temperature is at 38°c. ang matindi pa nito, nakatira kami sa rooftop, mas malapit sa araw kaya mas mainit. kung paniniwalaan yung alarm clock/thermometer/perpetutal calendar (nope! not my cellphone) 32°c ang temperature sa loob ng kwarto namin (close to oven temperature), sobrang laki naman ng a/c (yan ang tawag ng mga taga-saudi sa aircon) namin, 2hp ang capacity (salamat at libre sa kuryente) pero di pa rin n’ya kayang palamigin ang kwarto. kaya eto ang sagot sa problema.
madaling mag-init ang katawan ko, oops parang masamang pakinggan, what i mean is iritable ako kapag mainit (sana nakuha n’yo ibig kong sabihin). madali din akong pagpawisan & hirap na hirap akong matulog, para daw akong polar bear na inilagay sa disyerto. kainis nga lang, sobrang mahal ng bentilador dito, kasi naman tuwing summer lang ito nabibili! whew!!! ok na rin kaysa magpaypay magdamag!


hehe… nice AC nga ang tawag nila. hehe
buti yong tinirhan namin dati ay may ceiling fan kaya walang problema. hehe buti nga dyan mura yata ang kuryente.. dito eh parang ewan. Ang init init pero kailangan magtipid hehe.. kaya minsanan lang ang bukas ng aircon..
eto rin kailangan ko ngayon
buti na lang wala ang may-ari
HAREM ang kailangan mo master