“ber” na!!!!
september na, hudyat na ng paglamig ng panahon [dito mainit pa rin, promise], hudyat na rin na nalalapit na ang kapaskuhan [at bersdey ko syempre, putek 37 na ko!!!]. naaalala ko kapag nasa pinas ako, ganitong panahon may nagpapatugtog na sa mga radio ng christmas songs.
teka, kelan nga ba ako huling nagpasko sa pinas, 2001, pero bad trip kasi bum ako noon. 5am pa lang lumayas na ko sa bahay, delikado pag sumugod ang mga inaanak ko sa bahay namin. i spent the whole christmas day sa bahay nila pareng mac, binyagan ng bunso niyang si sid & sa kamalas-malasan [nung bata] ninong ako.
i miss spending chistmas time sa pinas, masaya ang atmosphere, parang mabait ang lahat ng tao. maraming masasarap na pagkain, simbang gabi at puto bungbong [oo nga pala isama mo na ang bibingka] + tsaa.
ay ewan, homesick na naman ako!


Ber na nga….tag lamig na naman.