Bilog

Nakita ko ang link ng bagong blog na ito sa blog ni Melai, isang bagong komunidad ng mga Pilipinong litratista. Medyo huli na ata ang paglathala ko ng aking lahok sa lingguhang meme, pero ayos lang.
Ito ang aking lahok para sa kategoryang bilog, ang bilog na ito ay kuha sa loob ng Manila American Memorial & Cemetery (mas kilala sa tawag na American War Memorial) sa loob ng Fort Bonifacio sa Taguig, ito ang nagbibigay liwanag sa mga seksyong naglalathala ng ilang mapa at kasaysayan ng ikalawang digmaang pandaigdig sa Asya-Pasipiko.
Kuha ito noong Huwebes Santo gamit ang aking Nikon D70 (1/200″, f16, 18mm, ISO200).


naks galing ha
ganda ganda parang kaming dalwa ni Te Melai..
as usual, astig parin mga kuha mo kuya!
Hello Ricky,
ang ganda ng perspective ng kuha na ito! Sayang at hindi ka nadalaw ng ibang miembro, malamang hindi nakita ang comment mo sa LP.
=)