Chedeng + Dodong = Disaster
It was raining all day & night, medyo duda na ako sa panahon, narinig ko sa balita na paalis na daw si Chedeng sa Pinas at papunta na ng Taiwan. So normal lang na umulan ng malakas, ayon sa paliwanag ng PAG-ASA, hinihila ng bagyo ang high-pressure area kaya naagdadala ito ng malakas ng ulan. Ang di ko narinig ay ang isa pang bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility, dumating na pala si Dodong ng di ko namalayan.
August 8 ang sked ko na kunan ang 1st Birthday Party ng dati kong kasamahan sa Saudi, sa isang Jollibee outlet sa Malabon ang venue. I prepared para dito, I charged all my batteries na gagamitin ko sa flash, tiniyak ko rin na kondisyon ang 2 kong camera at mga lente nito. I left the house early, kailangan kong dumaan sa Hidalgo to check for some items, sayang din naman kasi ang byahe at pamasahe kung maglalaan pa ako ng ibang araw para lang dalawin ang Hidalgo.
Bandang alas-onse ng nakasakay ako ng bus, sabi ko sa sarili na doon na lang ako sa Quiapo manananghalian, estimated travel time is 1 1/2 to 2 hours, not bad. Wala pang 10 kilometro ang tinatakbo namin nang bumagal ang takbo ng bus, puteks! di naman trapik zone ito, naisip ko na baka may banggaan lang. Ilang minuto pa, di na kumikilos ang sasakyan, akyat-baba na rin ang mga vendors, “mani kayo d’yan, pampawala ng inip sa trapik”, “tubig kayo d’yan, mahaba pa ang trapik na yan”. Hala! Mukhang masama na ito. Eksaktong 2 oras bago kami nakarating sa Imus, pucha! ibang klase na ito!
Tuloy ang byahe at nakita ko na rin ang dahilan ng trapik.

Baha pala sa mabababang lugar dito sa Cavite dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan.

Matagal ko na ring di nakitang magbaha dito, 1997 pa ang pinakamatinding baha na naranasan ko. Dahil nga siguro matagal akong nag-trabaho sa Saudi kaya medyo na-shock ako.

Halos 4 na oras na di pa rin kami nakakarating sa SM Bacoor, grabe na ito! nag-text na ko kay Marlon (kasamahan ko sa Saudi na tatay ng may birthday) para ipaalam na baka di na ko makarating sa Malabon.

Pag may baha, marami kang makikita, mga taong nagpupumilit na makasakay, mga gumigimik para kumita ng pera, tulad na lang ng tropang ito na naglagay ng tulay upang madaan ng mga tao kapalit ng barya, ika nga nila, “konting barya lang po, mas mahal ho ang trosyd kapag inalipunga kayo.”

At syempre, ang walang kamatayang trapik!


Alas-4 na nasa tapat pa rin kami ng SM Bacoor, gutom na ako at sa tant’ya ko ay di na ako makakarating ng alas-5 sa Malabon, pinasyahan ko na lang na bumaba sa SM upang malamnan ang sikmura ko. Medyo d’yahe kay Marlon pero nature stopped me, wala akong magawa doon. After ng chibog, pinili kong umuwi na lang ng bahay, ang dating 30 minutes na b’yahe ay inabot ng kulang 2 oras.
Isang linggo pa lang ang lumipas nang manawagan ang Archdiocese of Manila para magdasal upang dumating ang ulan, eto na siguro ang kasagutan. Pero kasabay ng sagot ay pinsala din, naisip ko tuloy yung cliché na “be careful of what you wish for.”



di bale kung di ka sumubok pumunta ng manila di kami makakabasa ng update at post mo na may picture at remembrance ni chedeng
Grabe, onga sobrang hiling nating umulan, medyo sumobra naman ngayon. Grabe talaga maipit sa ganyang traffic. Buti na lang dala mo Camera mo at medyo nakapaglibang ka kumuha ng photos ng gantong scene.