dasma graduation ceremony
tulad ng nabanggit ko kahapon, naatasan akong magkuha sa graduation rites ng mga mag-aaral sa dasmariñas, cavite. 2 event ito na kinapalooban ng 7 paaralan, 4 na paaralan sa umaga na may kabuuang 408 na mag-aaral at 3 sa hapon na mayroon 280 mag-aaral.

umaga lang ako naging main photographer, va1 lang ako sa hapon. ibang klase ang paraan nila ng graduation dito, 4 na paaralan ang sabay-sabay na nagtapos, 408 na estudyante ang nagtapos.

dahil nga 408 na estudyante, 408 katao din ang kailangan kong kunan habang inaabot ang kanilang diploma. bukod pa dito ang ibang bahagi ng program tulad ng mga pananalita at pagsasabit ng medalya sa mga may karangalan.

umabot ng mahigit na 800 shots ang nakunan ko sa maghapong ito, ito na ang pinakamaraming shots na nagawa ko mula ng ako’y mahilig sa photography.
wala naman akong bayad maliban dito.

isang bagong baterya (en-el3e) para sa aking camera, wag isnabin dahil batay sa huling tanong ko nito sa hidalgo, 2,500 petots po ang isang ganito. bukas ay va uli ako sa isa pang graduation, mahigit na 900 mag-aaral naman daw ang magtatapos, uusok na naman sigurado ang camera ko nito!
- volunteer
alalayassistant [↩]


[...] received a call for Jess, the same person who asked my service last year to again to shoot the Elementary School graduation in Dasmariñas, Cavite. Three school held [...]
[...] sabay na magtatapos kaya hindi na kinaya ng photographer, the same photographer na kumuha sa akin last year to shoot the same school. Maging yung ibang kakilala kong photographers, nararamdaman na rin ang [...]