good friday procession

hindi na naman natupad ang pangarap kong makarating sa san pedro cutud sa pampanga, medyo kinapos ng budget kaya t’yaga na muna ako sa mga lokal na tradisyon sa pag-alala sa mahal na araw. minabuti kong magkuha na lang ng isang prosesyon malapit lang dito sa amin.

Dead Christ


napansin ko ang tinderong ito na tila inuubos na lang ang kanyang tindang kandila habang umuusad na ang prosesyon.
Last minute sale

di nawawala sa ano mang okasyon dito sa cavite ang pag-asiste ng musikero, sa katunayan, sa prosesyong ito, 3 marching bands ang umasiste.

Marching Band

ang imahe ng naglulksang ina.

Grieving Mother

ang karosang naglululan ng bangkay ni hesus.

hindi ako katoliko pero nakikita ko ang malaking implikasyon ng mga tradisyong ito sa kulturang pinoy, maraming dayuhan ang humahanga sa pagiging panatiko natin. napakalaki pa ng impact na kinagawiang tradisyon sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. sa paglilibot ko pa ay nakita ko ito.

Proud Nikonian

isang dayuhan (at proud nikon owner) na katulad ko ay nag-cover ng event, isa lang marahil ito sa maraming dayuhang nais na makasaksi ng mahal na araw pinoy style.

4 Responses to “good friday procession”

  1. Happy easter Master!

  2. di na naman naramdaman dito ang semana santa… :(

    happy easter na lang dyan…

  3. belated Happy Easter!
    Makulay talaga ang tradisyon ng nating mga Pinoy na tunay na mga panatiko at malapit sa Diyos.

  4. [...] Lenten Season for me was an ordinary one, more like the one in 2007 when I just covered the Good Friday Procession in Dasmariñas, Cavite. Although I wanted to go somewhere else where I could cover something [...]

Leave a Reply