Here I go again
Hindi lang ako ang nakakapansin, maraming nagsasabi na lumolobo daw ako, may katagalan na rin since I last stepped on a weighing scale. Sa estimate ko, baka malapit na kong umabot sa 200lbs. hehehehe! exaggerated ba? But it feels like I’m over 200lbs, ramdam ko na madali akong mapagod, like like saturday when I covered a double wedding, para akong ginulpi ng 3 tao after ng coverage. Medyo mahaba ang oras, halos 13 hours naman kasi ang coverage.
Last December, sinabi ko na kailangan ko ng magpagpag ng mantika sa katawan, I need any form of exercise, pwedeng brisk walking, jogging, boxing o biking, sa tamad kong ito, crossed-out na yung first 2, medyo malayo ang boxing gym dito (at mahal na bisyo yan) so out na yung third, biking na lang ang naiwan.

Bahagi ito ng pinaghirapan ko noong January 3 & January 5 na raket ko, may sumobra pa naman kahit paano. Pinili ko ang bike dahil mahilig talaga akong mag-bike kahit noong bata pa ako. Isang katibayan ng pagiging adik ko sa bike ay yung pagkabali ng ngipin ko sa harapan, at yung mga gasgas ko sa tuhod at iba pang bahagi ng katawan ko.

Pero ang fear ko lang kasi, I have this “good start” attitude, sa tagalog ay ningas-kugon, magaling lang ako sa simula. Like kanina, nag-test drive ako for about half an hour, I hope masundan ito at maging regular na gawain ko.
I can feel the years that have been added to me, I miss the time na medyo maliksi pa akong kumilos, I’m not that old, medyo may mali lang sa nakaraang lifestyle ko, yeah I know, it’s not too late to correct it.



sumasakit mata ko sa ginawa mo dyan sa pic lol!
oo nga mag eksersays ka…para lalo ka gumwapo
wow, baka hindi ka lang maging master photographer, baka maging master biker ka na rin!
Happy Three Kings! (ay tapos na)
Happy Valentine’s na lang.
eto pala link ko master.
[...] I’m getting too much muscle pains specially my legs. Yeps, I’m back to biking again, Blughaw, my bicycle1 was out of commission since typhoon Ondoy, Blooghaw was in bad condition since then, it was rusty [...]