island cove trip with CD & tobey
iginala ko ang 2 kong pamangkin sa island cove resort sa binakayan, kawit, cavite. birthday kasi ng aking inaanak/pamangkin na si CD noong march 14 at ito ang naisip kong birthday gift sa kanya.

maraming bagong amenities ngayon sa island cove, isa na rito ang island cove farm.

the farms houses animals of different species, from birds, tigers, crocodiles, monkeys, snakes at meron din silang butterfly sanctuary.

dati-rati, ostrich lang ang main attraction ng kanilang farm, but as the years past, naka-acquire na sila ng iba’t-ibang uri ng hayop. medyo malaki pa rin ang hahabulin nila compared to the other zoo like avilon zoo, but it’s a good start, given the fact na hindi naman ito ang main attraction nila.

mura lang ang entrance ng farm, 75 pesos para sa hindi bata at 50 pesos naman para sa mga bata, pwede mo ng makita ang iba’t-ibang hayop dito. maari mo ring ipambayad ang ticket na binayaran mo sa main entrance ng resort.

may kalakihan ang farm, makikita mo pa rin ang malaking lugar na wala pang laman.

medyo napagod yata ang 2 kong alaga, kaya break muna kami.

mahaba rin kasi ang trek from the butterfly farm papuntang crocodile farm, although maaaliw ka naman sa mga madadaanan mong mga cages na naglalaman ng iba’t-ibang animals, pero mukhang pagod nga yata ang inaanak ko.

after the farm trip, hinayaan ko muna silang maglaro sa playground. si tobey, napagdiskitahan ang playhouse.

habang swing naman ang gustong laruin ni CD.

it’s 5pm kaya jollibee time na, pero kahit sobrang pagod nila, tuloy pa rin sila sa play area ng jollibee, sobrang hyper nila. nakaka-inggit, parang gusto ko uling maging bata, simple lang ang buhay, walang masyadong iniisip.
kung gusto n’yong makita ang ibang pix na nakunan ko sa island cove, check nyo na lang ang flickr album ko.


malalaki na pamangkin mo ah… belated hapi bday kay Cd…
uy galante na si ninong
kaya naman happy ang bday
pwede bang kaw nlang ang Ninong ko? hehehe! ang bait bait nman!
cute naman ng mga pamangkin mo.
mukang enjoy na enjoy sila ah.
wow, galante naman ni Tito. Sana Tito na rin kita…hindi sa Senado ha! hehehe. belated happy bday sa iyong pamangkin.