It’s a film!
Alam n’yo ba kung ano ito?

Sa mga humula na ito ay film, may tama kayo! Hehehehe! Give aways ito noong nag-attend ako ng “Primer on Lighting Workshop” last month conducted by the Ayala Foundation. Isa ang Fuji Film sa nagtataguyod ng workshop na ito.
The last time na naka-hawak ako ng film was in 1995, bago ko naibenta ang aking film camera. Ewan ko ba, parang nagbalik ang interest ko sa film photography, para sa akin kakaiba ang high na ibinigigay ng film photography. Naalala ko noon na meron akong 2 rolyo ng film na “un-exposed” nakaka-bad trip pero dito ako mas natuto at mas na-inspire na pagbutihin ang aking craft.
Whew! Na-miss ko tuloy yun Nikon F55 ko! Sino kaya ang may-ari nito ngayon? Kung hindi lang ako nasadlak sa kahirapan, hindi ko ito ibebenta, pero nangyari na at nagbunga naman ng mabuti ang pagkakabenta ko noon.
Now, imbes na mag-wish ako ng makabagong camera (sa totoo lang, tumutulo ang laway ko sa Nikon D3) na sobrang mahal, ang wish ko ay isang film camera, although I prefer a Nikon F100 but I can settle with a cheaper Nikon F80.
So why the hell do I wish for a film camera? Bakit nga ba gusto kong magkaroon ng film camera? Simple lang, it’s going back to the basics, kung saan hindi ka nakabase sa LCD everytime na kumukuha ka ng picture. Kung saan, sigurado ang bawat pitik mo ng shutter, where camera setting & composition are the two things that are important to you. Hindi kung anong technical na setting sa camera.
Simple lang ang wish ko, matuto uli gamit ang isang film camera.



wow, film camera.. old skul rocks!! ^_^
bibihira na nga ung gumagamit nyan kuya.. ngayon, panay digital na.. nakakamiss din ung dati, ung simple lang lahat..
sa ibang photo studio… film pa rin ang gamit nila! hehehe!
honga ano.. film ung dati mong cam…, baka sa pasko meron ka ng bagong film camera hehehe… marami ang shoot niyan..
May gumagamit pa pala ng film.
Hehehe… Gusto ko rin ng Nikon D3 or D300 for christmas (pero for the meantime, okay pa naman ang HP Photosmart 5.0 MP ko. ahehehehe. Parang toy.)
Meron pa rin yung family namin ng Nikon FM (pamana ng namayapa naming lolo), na winiwish kong maging akin… Salitan lang kami ng gamit ng auntie ko…
Back to basics nga, kumbaga…
Masaya talaga ang film camera. You’ll never know what will come out! *Surprise surprise!*