It’s Christmas time again

Groggy pa ako nang mag-text si Ed, he wants us to visit the Bridal Fair at PICC.

Groggy kasi ako dahil galing ako sa isang shoot last Saturday at almost 1AM na naman ako naka-uwi sa bahay. Debut ang kinunan ko sa Cavite City, hassle kasi umuulan at nabasa ang camera ko, sana lang wag atakihin ng fungus ang mga lente ko. Medyo tinatamad pa akong mag-edit, I’ll post the photos within this week.

Anyways, kahit medyo bangenge pa ako, sinamahan ko na rin si Ed sa PICC. I know he’s dying to see Jason Magbanua, the most popular name in wedding videography. For me, opportunity na rin ito to see what’s new in wedding photography, nakakadagdag kasi ng konti kong kaalaman kapag nakita ko ang shooting style ng mga pros.

OK naman ang naging lakad namin, naka-nenok si Ed ng sample CD ni Jason, Imacron & Threelogy, makakatulong ito sa kanya as a videographer & video editor. Ako naman I was able to scan the shots ng mga pros at nakakuha rin ng ilang sampe brochures.

On the way home, Christmas song ang pinatugtog ng bus driver, September na nga pala, meaning nagsisimula na ang Christmas season sa Pinas. We are known for having the longest Christmas, ilang buwan na lang at Pasko na, ilang buwan na rin lang at tatanda na naman ako ng isang taon.

Parang ang bilis ng panahon, parang kailan lang yung naggugumalit ako dahil hindi ako naka-uwi ng December, now I am here, looking forward to spending my first Christmas in the Philippines after 4 years.

What more can I say? Merry Christmas everyone!

Leave a Reply