January 9, 2008 – Quiapo, Manila
Para sa hindi nakaka-alam, pyesta ngayon ng Quiapo, para sa mga deboto, ito ang pinakamahalagang araw. Para naman maiba, parang behind the scene ang drama ng mga pictures na ipo-post ko dito, para sa mga picture ng actual na prusisyon, click mo na lang dito.
Maaga akong dumating sa Quiapo, bandang alas-10 nasa Lawton na ko, trapik na kaya minabuti ko na lang maglakad, pagkakataon ko na rin ito para magkuha ng “behind the scence” photos.

Mula sa ibabaw ng tulay nakita ko ang isang ito na bumubuga ng apoy habang tinutugtugan ng banda.
Nakakatuwa dahil iba’t ibang klaseng tao ang nakita ko, pagdating ko sa harap ng simbahan, sinalubong na ko ng sandamakmak na tao, di kalayuan sa simbahan nakita ko ang isang ito na nagpapakilalang Diyos Ama.

Dahil sa sikip naisip kong magbalik na lang sa Quezon Boulevard sa ibabaw ng tulay, napakamot ako ng ulo ng makita ko ang isang ito na naka-wheel chair, di ba niya naisip na kapag nagsimula na ang prusisyon.


Ang isang ito, inaresto dahil lasing at nanggugulo, hinipuan kasi nito ang isang majorette kaya sinugod siya ng mga musikero.

At habang hinihintay ang pagsisimula ng prusisyon, naglibang muna at nag-boxing, malaki ang pot money para sa mananalo.


At ito ang eksenang nagpatayo ng balahibo ko, ano ang ginagawa ng batang ito sa isang event na katulad nito?

Para sa isang observer na katulad ko, marami akong napansin na hindi kaaya-aya, halimbawa na lamang ang mga “debotong” naka-inom, paano mo masasabing katanggap-tanggap sa Diyos ang panata mo habang nasa espiritu ka ng marka demonyo? Ang mga batang pilit na isinasama ng mga magulang na walang pag-aalala sa kaligtasan ng mga ito.
Batay sa ulat, 2 ang namatay at 51 ang nasaktan, mga reported cases ito, sa tingin ko mas marami pang hindi naiulat. Pasado alas-4 na ng iwan ko ang lugar, mahirap ng maipit sa trapiko, at medyo may kalayuan pa ang uuwian ko.



dinadayo talaga yan noh kuya? ang dami laging tao..
may nagsusuntukan?! bat naman?
ang lapit lapit ko dyan pero ni minsan hindi pa ko nagpunta kapag fiesta ng Quiapo.
Yan din naiisip ko, kung bakit kailangan pang magsama ng bata, lalo yang nakunan mo baby pa talaga yan.
wow dami tao!
Ang tagal ko narin hindi na sasaksihan ang fiesta na yan, I guess way back 25 years habang nakadungaw kami sa bintana ng Mercedez Bldg at hinihintay ang paglabas ng Mahal na Nazareno… at pinagmamasdan ang nagsiksikan na mga deboto…
Naalala ko pa noon ay may mga exibitionist pa nga na nagpapatuklaw sa ahas, unggoy na sumasayaw at sari-sari pang gimik…
Nawala yata yung comment ko kanina… ulitin ko nalang…
As I wrote before… Ang tagal ko nang hindi nasasaksihan yang fiesta ng Quiapo, I guess way back 25 years ang last time kong masaksihan yan… Nakadungaw kami sa bintana ng Mercedez Bldg habang hinihintay ang paglabas ng Mahal na Nazareno at nakaabang na ang mga nagsisikan na mga deboto…
I remember pa noon may exibitionist pa na nagpapatuklaw sa ahas, nagpapasayaw ng unggoy at sari-sari pang mga gimik…
naku! kawawa naman yung bata.
ayus yung mga behind the scenes kuya! hehehe! ganyan pala dyan, dami ring gimik.
anu naman ginagawa nung matanda dun? yung naka-red na may suot na medallion ba yun? hehe. parang ermitanyo. :p
Kawawa nga mga bata pag ganyan kadaming tao, dapat hindi na sila isinasama. Panigurado nagpiknik ang mga mandurukot diyan. Hehe!
Ang gaganda ng mga kuha ninyo, lalo na yung sa mga weddings.
Haha.
40 ang namatay dyan 2 patay. Hay, its supposed to be a fiesta pa naman. O-o
[...] just came from shooting the Feast of the Black Nazarene today, I will share the photos here in the next few days. Meanwhile, I’ll finish sharing our [...]
kapatid isa rin akung deboto ng
Mahal na POON NAZARENO khit andito nako sa OMAN inaalam kuparin ang ng yayari sa Quiapo kada feista at mahal na araw, nakakalungkot pero ng yayari talaga yan may mga deboto talaga wala sa ayos, minsa lasing at gusto pumasan ng lubid at umakyat sa karo ng POON yan yung tinatawag na pasaway na deboto.
salamat kapatid at sana makapasan ulit ako paguwi ko ng pinas sa marso ng 2010 mahal na araw na yun! salamat ulit.
This is an outright idolatry, found in Exodus 20 of any Bible version, including Latin Vulgate. Worshiping of graven images, no matter your reasons are, still blasphemy.
God forgive you.