Kamusta naman ang Pasko ko sa Pinas

Year 2001 nang huli akong magpasko dito sa Pinas, anim na Pasko rin ang itinigil ko sa Kaharian ng Saudi Arabia, actually, walo kung isasama yung pasko ng 1999 at 2000. Medyo nakakapanibago ang atmosphere, noon kasi sa TV ko na lang nakikita ang magagandang palamuti sa kalye, mga masasayang bata at syempre ang mga kakaning pamasko.

Sa totoo lang, hindi ko naman na-enjoy ang Pasko, na-injure na naman kasi ang right ankle ko noong nag-cover kami ng Mutya ng Imus, ang resulta, pipilay-pilay ako noong araw ng pasko.

Kahit paano ay meron din naman kaming Noche Buena, hinintay ko talaga ang hating-gabi bago ko nilantakan ang pagkain. Na-miss ko rin ang tropa na nakasama ko ng ilang taon sa Saudi, may Noche Buena rin naman kami doon, kahit paano ay di rin namin pinalalampas ang mahalagang araw na ito na hindi nagsasaya.

Umaga ay dumagsa na ang mga batang namamasko, pinag-ipunan talaga ni Nanay ang araw na ito, maliit na halaga lang naman ang iniaabot namin sa bawat batang nananapatan at nagsasabing “Pamasko po,” it’s the thought that counts ika nga. Bago pa magtanghali ay ubos na ang laman ng lalagyan ng coins ni Nanay, naisip kong patay ako nito, malamang na ako ang maduduguan.

I’m not the traditional “Pasko” person, I really wanted to spend my Christmas alone, I don’t really like feasting, what I want is to have my own time with God & reflect on what He wanted me to be. Like all other Christmases that I spent here, nagpupunta ako sa lugar na konti ang tao, hindi naman para lang magsenti, it’s my way of leaving the hustle & bustle of the city life.

Sa kasawiang palaad, hindi ko ito nagawa, like what I said, I got injured & it would be hard for me to go somewhere else. Naisip ko na lang na dalawin ang kapatid ko at dalawang pamangkin, medyo may kalapitan lang naman dito sa amin ang bahay nila, after having lunch, nagpa-alam na rin ako para makapagpahinga.

I would say na natupad ang pangarap ko last year, kung naalala n’yo, noong isang taon ko pa gustong magdiwang ng pasko dito, pero sa kasawiang palad ay hindi nagkatotoo. This is just perfect, isang paskong pinoy, may kasiyahan, kapiling ang pamilya at nakalanghap ng simoy ng Paskong Pinoy.

Tatlong Daan at Anim na pu’t pitong araw bago magpaskong, matagal pa, marami pang pwedeng mangyari ang mahalaga ngayon at harapin ang hamon ng paparating na taon. Manigong Bagong Taon sa inyong lahat.

4 Responses to “Kamusta naman ang Pasko ko sa Pinas”

  1. Maligayang Pasko.

  2. [...] Club also in Dasmariñas. Although my ankle still hurts (like what I’ve mentioned in my previous entry), I went through with the assignment, naka-oo na kasi ako sa studio na kumuha sa akin. Medyo [...]

  3. [...] on it, I browsed on my blog to find an entry written in Filipino, napili ko yung post ko entitled Kamusta naman ang Pasko ko sa Pinas. Entry ko yan last Christmas, kinuha ko ang first paragraph ng entry at ginamit ko ang Google [...]

  4. My favorite gift to give during Christmas day is a fruit basket with toys and gift certificates. they can really put a smile on someone’s face*,-

Leave a Reply