Karapatang Pantao
Extra: Natuloy ang pagnininong ko kahapon, andito yung litrato ng bago kong inaanak at konting kwento na rin.
Para sa mga hindi nakaka-alam, ngayong araw ay tinaguraiang Human Rights Day, on this day 59 years ago the United Nations adopted the Universal Declaration of Human Rights.
Nakakalungkot na sa halos 60 taon na ang nakalilipas ng kilanlin ng mga nagkaka-isang bansa ang mga batayang karapatan ng mga tao ay tuloy pa rin ang paglabag sa mga karapatang ito. Kung tutuusin, isa ang Pilipinas sa mga signatory dito at dapat nitong kilanlin ang mga batayang karapatan.
Di pa rin naipagkakaloob sa mga magsasaka ang kanilang karapatang mag-ari ng lupa, sariwa pa ang karanasan ng mga magsasaka mula sa Sumilao, Bukidnon na naglakad ng mahigit na 60 araw mula Bukidnon hanggang Maynila upang igiit ang kanilang karapatan. Sa kabila ng mga sakripisyong ito, wala pa ring malinaw na aksyon ang pamahalaan sa kanilang hinaing.
Ang mga mangagawang pinagkaitan ng karapatan sa pananatili sa trabaho, laganap ang kontraktwalisasyon, naging bukam-bibig na ang salitang Endo, pina-ikling End of Contract, na bago umabot sa ika-anim na buwan ay tatanggalin ang mga manggagawa sa kanilang trabaho. Hindi lamang ang mga manggagawang kontrakwal ang apektado, ipinagkakait din sa mga regular na manggagawa ang kanilang karapatan sa pag-uunyon.
Laganap ang pagpatay sa mga mamamahayag at mga indibidwal na itinuturing ng estado na “kaaway.”
Malaking bahagdan pa rin ng mamamayan ang walang mahusay na tahanan at naninirahan sa mga delikadong lugar. Idagdag pa rito ang walang habas na pag-demolish sa kanilang tirahan at iniiwan na lang na walang matinong relokasyon.
Ilan lang ito sa mga harapang paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas, maaring sasabihin ng iba, “subukan n’yong tumira sa China o Afghanistan at tiyak na mas mahusay pa ang Pilipinas kaysa roon,” nakalulungkot, pero tila mali ang pananaw nila sa usaping ito. Sa isang bansang sibilisado at nagsasabing “demokratiko” hindi dapat na umiiral ang mga paglabag na ito, hindi na dapat itong igipit, dapat siguruhin ng estado na walang nagaganap na paglabag.
Sa susunod na taon ay ika-60 taon ng deklarasyon, may pag-asa pa kayang igalang ang ating mga karapatan?



Yan din ang panalangin, social justice para sa lahat.
na-endo ako sa una kong trabaho. sakto rin na nagka-sore eyes ako, kaya di masyadong masakit para sa akin ang mawalan ng trabaho..
kelan nga ba magkakaroon ng hustisya para sa lahat? isa na rin cguro yan sa magiging wish ko ngayong Pasko.. ^_^
sana mayroon ding mga ahensya ,programa,kasaysayan at kanilang mga layunin…
dapat pantay ang pagtingin sa karapatan ng bawat tao. dapat bigyan din ng makatarungang hustisya sa mga naaubuso. at higit sa lahat dapat marunong tayo rumespeto at gumalang sa karapatang nakakalamang sa atin.
nakakalungkot isipin na isa ang Pilipinas sa pumirma sa karapatang pantao ng u.n. ngunit hanggan ngayon hindi lahat ng tao ay nakakatanggap ng hustisya.cno ba ang may kasalanan ang gobyerno ba o tayo. kung iisipin mo kasi kung alam ng tao ang kanilang mga karapatan hindi sla maaabuso. isa pa minsan tayo rin ang may kasalanan kaya nalalabag ang mga karapatan ng ibang tao. sa aking palagay magkakaroon ng pagbabago kung magsisimula ito sa bawat isa. (big things started small)
., sa kasalukuyang pangyayari ngayon hindi na napapairal ang ating karapatang pantao dhil n rin sa kakulangan ng kaalaman ng bawat isa sa kanilang karapatan bilang tao..kaya madaling napapaikot ng mga nanmumuno ang bawat isa sa atin!!according to article 3 section 1 “NO PERSON SHALL BE DEPRIVE OF LIFE,LIBERTY OR PROPERTY WITHOUT DUE PROCESS OF LAW NOR SHALL ANY PERSON BE DENIED OF EQUAL PROTECTION OF THE LAWS!!
Ang pagkakapantay pantay ng lahat ng tao ay nagmumula sa pagkakaroon nila ng Digndad…Habang ang pagkakaiba- iba ng talento ay bahagi ng plano ng Diyos sa bawat isa. Ngunit ang anumang uri ng diskriminasyong panlipunan at pangkultural ay di kailanmang katugma sa disenyo ng Diyos sa ating mga buhay kundi ang layunin ng mga taong di kailanman nakilala ang kanilang mga karapatan at yan ay ang “KARAPATANG PANTAO!” “Lumaban ka- May karapatan ka”
sana maging payapa angmundo……………….
[...] posted the entry “Karapatang Pantao” December 10,2007 to commemorate the International Human Rights Day and the blogpost entitled [...]