Meet Astro

Ipinakikilala ko ang aking bagong alaga, si Astro, isang pedigree askal mongrel o mas kilala sa pinas na askal (asong kalye) o mas politically correct daw ay aspil (asong pinoy). Galing si Astro sa isang kapitbahay namin, alam nila na mahilig kaming mag-alaga ng hayop, in fact matagal na kaming naghahanap ng maalagaan, either pusa o aso.
Astro the Dog

Ayon sa nagbigay nito sa amin, isang abused dog, ginugulpi daw ito ng dating amo, kaya siguro payatot noong dinala ito sa amin. Sa awa ay hiningi na lang nya at ibinigay sa amin.
Lick it!

Medyo matagal na rin kaming walang alagang hayop, naalala ko noon na parang zoo ang bahay namin, sa maniwala kayo at sa hindi, maging yung hindi karaniwang hayop na naalagaan namin.
Ever Ready

Ano-ano na nga ba naalagaan naming hayop bilang pet (meaning hindi kakainin o iluluto)? Aso, pusa, kalapati, bibe, manok, pabo (turkey), baboy, kuneho, at marami pang iba.
Guard Dog

Meron kaming more or less 100 na kalapati before, about 20 cats, 2 pabo, 2 pairs na kuneho, hay naku! Mas nauuna a itong kumain sa amin! Hehehehe! We treat each pet to be part of the family, ang goal ko ngayon ay patabain si Astro!

6 Responses to “Meet Astro”

  1. Naku, pareho pala tayo. Yung aso nga namin, sa tabi ko pa natutulog.

  2. Astro, nice name ha! Baka lumipad yan! Hehehehe… Askal lang ba yan!? Parang may breed din eh… Para syang miztizong german shepherd…

  3. ang cute naman ng aso niyo kuya! buti pa kayo nakakapag alaga ng maraming hayop. kami dito, hanggang isda lang. ayaw kasi ni mama sa pupu ng aso. hehehe

  4. wow.. ang dami nyong alagang hayop ha! na-amazed ako sa 20 cats! yaaaay…

    goodluck sa pagpapataba mo kay Astro! :)

  5. Great job for taking care of Astro. We too have been taking care of an Asong Pinoy that was abandoned in our clinic last year. His name is Moy-Moy and he gets to blog every monday at the The Animal Doctor blogspot.

    We are so happy that in spite of the rampant abuse and neglect suffered by dogs ( let alone native dogs) in this country, there are still humans out there with big hearts. Please keep up the good deed. God bless you.

  6. Hi there master betong, nagbabakasakali lang po if makakapag-reply kayo within the day, I’m a researher of Imbestigador, GMA 7, we are curently doing a special feature about dogs. Last last week we have covered a raid/operation in baguio, may mga na-rescue na dogs from there, Animal Kingdom Foundation yung ka-partner namin. Tommorow we will going to visit the rescued dog in Tarlac, kaya naghahanap din kami ng isang dog– aspin lover na pwedeng mag-ampon sa mga na-rescue, baka naman po gusto ninyong mag-ampon kasama ni Astro ;)
    this is my contact number: 09164950613, iwritelora@gmail.com, imbestigador@gmanetwork.com, TL 9827777 loc. 1438/1440.
    note: bukas na po ng 10:00 am ang punta namin, in case na interesado po kayo…
    baka din po may kilala kayong dog lover na at katuwang niya sa hanap buhay yung kanyang alagang aso…
    thanks a lot po in advance.

Leave a Reply