para kay nanay

sa ugoy ng duyan

titik ni prof. lucio san pedro
musika ni levi celerio

Sana’y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan

Sana’y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan

Refrain:
Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay ko’y tala, ang tanod ko’y bituin
Sa piling ni nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan

Sana’y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan

Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay ko’y tala, ang tanod ko’y bituin
Sa piling ni nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan

Nais kong matulog sa dating duyan ko, inay
Oh! inay


hindi siya perpekto, hindi rin siya super woman, sa kanya ko naranasan ang pinakamalupit na parusa, maraming beses n’ya akong pinaluhod sa asin/munggo, nilamasan ng sili sa bibig, pinadapa at pinalo. disiplina ang tawag n’ya dito, ewan ko kung naging epektibo ba. malupit man sa unang tingin pero wala akong galit sa kanya, mas tumiim sa akin ang kanyang kagustuhang matuto ako sa aking mga pagkakamali.

utang ko sa kanya ang buhay ko, hindi lamang sa pagdadala niya sa akin sa kanyang sinapupunan at sa panganib ng pagluluwal sa akin, higit sa lahat ang pagpipilit n’yang manatili akong buhay sa gitna ng matinding sakit na dinanas ko noong ako’y musmos pa.

pinilit n’yang buhatin kami, pero sadyang hindi kaya ng iisang kamay na buhatin ang bigat ng pagtataguyod ng isang pamilya. hindi man siya ang pinakamagaling na ina sa buong mundo, siya pa rin ang pinakamagaling na ina para sa taong tulad ko.

salamat nanay sa buhay, salamat sa mga aral at higit sa lahat salamat sa pag-asa, para kay nanay, kay arlene na ina ng aking bunso na panganay at sa iba pang mga ina, maligayang araw ng mga ina sa inyo.

6 Responses to “para kay nanay”

  1. Maligayang araw ng mga nanay sa nanay mo.

  2. kakaiyak naman ‘yang awit … parang gusto
    ko tuloy umuwi ngayon :sad:

    Happy Mother’s Day sa amin!

  3. “kay arlene na ina ng aking bunso na panganay at sa iba pang mga ina”

    Akala ko “at sa iba pang mga ina ng mga anak ko” ang kadugtong nyan.

    Happy mother’s day sa lahat ng nanay!

  4. anong nangyayari kay mama ann :roll:
    ibang klase ng mag-comment! nalipat na yata
    sa kanya ang mga buhangin sa ulo ni SAM :mrgreen:

    ^^alles gute zum muttertag^^ sa mga muttis

  5. @kisses, kaw naman type ko lang biruin si master at betong.,for a change. Lagi kasing seryoso eh.

  6. masterbetong on May 15th, 2006 at 1:03 pm

    @KD, salamat sir

    @neng, sige umuwi ka na para makita mo na ang palasyo mo, :roll: :grin::mrgreen:

    @ann, isa pa lang naman ang anak ko e.:roll: yung ang pagkaka-alam ko :eek: :twisted::shock:

    @kisses, ganun ba epekto ng buhangin?:wink:

    @ann ulit, seryoso ba lagi?:lol::mrgreen::grin:

Leave a Reply