paskong walang bibingka, bagong taong walang putok!

matatapos na ang taon, tulad ng mga nagdaang taon, tahimik na salo-salo lang sa loob ng kwarto ang gagawin namin. walang rebentador, super lolo, luces, sinturon ni hudas, 5 star, crying cow o boga1. walang gumagalang sasakyan na may hilang lata, walang nagsusunog ng gulong sa daan, walang nag-iinuman habang nagvi-videoke.

simpleng kasiyahan na hindi ko naranasan sa loob ng apat na taon, ang pagsasalo-salo ng isang pamilya sa hapag, ang labindawalang uri ng prutas na nakahain sa hapag. ang pagsigaw ng “happy new year” sa hating-gabi.

things could have been different, the mood could have been happier, but the fact still remains, hindi ko uli ito mararanasan ngayong taon. kelan? ako man ay hindi ko alam.

maging ano pa man ang kalagayan natin ngayon, isa lang ang hiling ko, sana’y maging maganda ang taong 2007 para sa atin! isang manigong bagong taon sa lahat!

  1. home made na kanyon gawa sa pvc pipe, imbensyon ng mga kababayan ko sa cavite []

4 Responses to “paskong walang bibingka, bagong taong walang putok!”

  1. pati ba new year hindi rin sinecelebrate dyan?

    Naku, ang galing ng naka imbento ng boga! haha! dahil natuto akong magpaputok! hahaha!

    wish you all the best for 2007! happy new year!

  2. ej master, Frohes Neues Jahr!!!:cool:

    ilabas na ang saddiqui … tayo’y maglashing … maglashing …
    uminom, uminom … ng tubig-dagat! :mrgreen:

    PROSIT :wink:

  3. i know how you feel during the holidays-paris mo matagal na rin akong hindi nakauwi tuwing pasko-7 taon, tapos kinuha ko na ang aking pamilya, kada holidays puro ako iyak,mabuti na lang lumipat ako dito sa us at nakuha ko sila. i hope you have a safe trip, enjoy your stay with the family & happy new year!!!

  4. Excited kanaba sa bakasyon mo? magkikita ba kayo ni Labs mo? excited din ako para sayo. wag na kayong magpaputok baka maputulan pa kayo.. nyaahahha!!! :razz:

Leave a Reply