Pro Talk

Mahigit na anim na buwan na kong walang trabaho, at natural lang naman na isipin ko na humanap ng pagkakakitaan. Para sa akin, wala ng iba pang magandang paraan para kumita kundi gawin ang gusto kong trabaho. Nitong mga nakaraang araw, naging malapit sa akin ang mga trabaho, 2 studio ang kumukuha sa akin as back-up photographer. Although maliit lang ang kinikita ko per event, pero ok na rin ito to compensate my daily needs.

As of the writing of this entry, nakaka-4 na kasal at isang libing na ang na-cover ko, bukas may naka-schedule pang kasal at kung maaayos ko ang sked ko sa Saturday, may engrandeng birthday pa akong pwedeng i-cover.

This makes me ponder, is it time to go pro? I still can’t consider myself as pro, mas matindi pa rin ang pagiging hobbyist sa akin. Mas matindi yung tawag ng passion on the craft than earning money from it, kung pwede nga lang na libre why not. Pero sabi nga nung isang professional, hindi pwedeng ipambili ng ulam at bigas ang thank you, hindi pwedeng ipambayad ng kuryente ang prestige at hindi pwedeng ipambili ng gear ang palakpakan at papuri.

But turning pro is not that easy, I don’t want to be a half-baked photographer, mas ok kung handa ako skills wise, isa rin ito sa mga dahilan kung bakit ako tumanggap ng VA at back-up photographer job, by doing this, I can further improve my knowledge in the field that I picked.

I’ll be pro soon, pero isa lang masasabi ko, my hobbyist attitude will continue to prevail, secondary na yung pagiging commercial ng mga shots ko. Kung kelan ito mangyayari, maybe sooner than I expect.

3 Responses to “Pro Talk”

  1. Good Luck sayo. Iba kung gusto mong ang ginagawa mo kayse napipilitan lang. I’m sure amlapit ka nang sumikat. Tama, pag hinog na, mas matamis.

  2. Iba kasi talaga yung fulfillment kapag dun sa passion mo ikaw nag-succeed. Kaya mo yan, master! Based sa mga shots na pino-post mo dito, parang dun ka na rin sa binayaran ng P95k na package ng friend ko nung kasal nya :)

    Goodluck!

    Happy weekend!

  3. at least masaya ka pa rin sa iyong ginagawa tsaka masarap anihin ang pinaghirapan.
    pasasaan ba’t makararating ka rin sa tuktok, master.

Leave a Reply