Rainy Day in Tagaytay
My temporary driver’s license was expired since June 30, 2007, the license was valid for 5 months or until the card is made available. Medyo nawala sa isip ko, napansin ko lang ito kaninang umaga, kahit naman hindi ko ito nagagamit (alang tsikot e), nag-renew pa rin ako nito.
I went to LTO-Tagaytay to check if my license is available, pero wala pa rin, demn! 5 friggin months! I don’t know where the printing is being done, just imagine, this license will just be valid for 3 years e kalahating taon na wala pa yung lisensya ko. Nakakapikon! Anyways, tutal naman at nasa Tagaytay na rin ako sinamantala ko na ang pagkakataon para magkuhang picture. I went to Picnic Grove para sa magandang view ng Taal Lake.
Pagdating ko pa lang sa lugar, ito na ang bumulaga sa akin, mukhang uulan!

Cloudy Day (1/2000″, f8 @ISO400)
Shoot lang ako ng shoot, di ko pinapansin ang madilim na ulap, feeling ko lilipas din yun.

Taal Lake (1/400″, f8 @ISO400)
Habang pinagmamasdan ko ang Taal, sumagi sa isip ko ang panganib na kinakaharap nito ngayon. Isang Korean firm ang nagbabalak na magtayo ng spa resort sa mismong bunganga ng bulkan. Wala na ba talaga tayong pagmamahal sa ating kalikasan, naisip ba natin ang panganib na maaring idulot nito sa mga tao.

Small Crater (1/800″, f8 @ISO400)
Konti na lang ang mga magagandang tanawin sa ating bansa, nasisira dahil sa kapabayaan natin at sa paghahangad na kumita ng malaking pera.

Shelters (1/1000″, f8 @ISO400)
Sa gitna ng aking pagninilay-nilay, aba’t biglang bumuhos ang ulan! Di ko naman pababayaang mabasa ang aking bread & butter (i mean my camera), naghanap agad ako ng masisilungan.

Ulan (1/1250″, f5 @ISO400)
Nang makakita ako ng silungan, itinuloy ko na lang ang pagkuha ng picture.

Segregate it (1/160″, f8 @ISO400)
Maging ang mga batang masayang naliligo sa ulan ay di nakalampas sa aking lente.

Enjoying the Rain (1/50″, f8 @ISO400)

Cloudy Day (1/2000″, f8 @ISO400)
I wanted to go to People’s Park (formerly known as Palace in the Sky) pero malakas ang ulan, matagal na rin akong di nakakarating doon, anyways, marami pa namang pagkakataon.



nung huling pumunta ako ng tagaytay kuya, umuulan.. pero ganda pa rin.. naka-gala pa rin ako kasama ang aking berks.. ^_^
tama, marami pang pagkakataon kuya…
Hay, eto na yata ang sign na kailangan akong pumunta ng Tagaytay next week hehe…
Hindi naman daw kasi government may-ari nung pinapa-lease na lugar dyan sa Taal, master. Mga Laurel yata. Sana di matuloy kawawa naman yung mga mae-employ dun if ever.
Happy weekend!
Sino kaya aang kumita sa pag-issue ng ECC niya? Ngayon lang kaya ako nakakita ng spa sa crater ng bulkan. Onli in da Pilipins.
Wow! ang ganda ng tagaytay! di pa ko nakakapunta dyan e..
naku naman, ang butaw talaga ng gobyerno. Bakit di mo lagyan ng lagay para bilisan nila pag release ng lisensya mo? hehe. total yun naman ang pinakamainam para mapabilis ang proseso e. oh well. Pilipinas nga naman oh.
Ang tagal naman nung license na yan! Hehe buti di ka na-abutan ng ulan. Dapat yata ngayong rainy season, me kasama laging payong sa loob ng camera bag natin. Hehe
Rickitiktak!!!
Ganda ng mga picpics mo!!