Reyna ng Aliwan 2007
Dahil sa special request ng aking kumpareng Matt, eto na ang ilan sa mga kandidata ng Reyna ng Aliwan 2007. Hindi lahat ng kandidata ay nakunan ko, marahil namimitig na ang binti ko o kaya naman nilalantakan ko ang libreng tubig sa press box o wala lang.
Eto ang pambato ng Sorsogon, sayang ayaw niyang lumingon sa pwesto namin kaya hindi masyadong maganda ang angulo ng kuha ko.

Napapalibutan naman ng mga bulaklak ang float ng reyna mula sa Baguio, sayang hindi sila ang nanalo sa Best Float category.

This is Ilo-ilo’s bet, she was crowned 1st Runner-up, sorry ka na lang Kneeko, tinalo kayo ng kababayan ni Matt.

At ito ang kababayan ni Matt, Ms. Jane Dela Cruz from Hagonoy, Bulacan, siya ang itinanghal na Reyna ng Aliwan 2007.

Hindi ko napanood ang koronasyon at awarding ng iba pang premyo, medyo delikadong gabihin ako. Dito ko lang nakita ang resulta.



YES! Iba talaga ang ganda nang mga Lakambini nang Bulacan… As in kababayan ko pa talaga ‘Coz she’s from Hagonoy… I am proud to be Bulakenyo! Thanks Master sa pagtupad mo nang aking kahilingan…
Simple lang pero rock ang beauty ng kababayan ni Matt.
special request pa pala huh… congrats sa kababayan mo matuk!
master betong, nag-gagandahan naman ang mga dilag na i-yan. pano ka pa mafu-frustrate nyan. saka question, kaano-ano mo ba si master betor, tiyuhin ko kasi un.
master, makikiusap sana akong mai-add man lang ako blogroll mo at maambunan ng iyong blessings. he he… syempre i-add ko din sa ‘yo.
iba talaga ang ganda ng Pinay.
yan poh ang 1 sa mga pride ng Bulacan!!
A Warrior’s beauty…. MISS DINAGYANG!!!!
hindi po taga hagonoy si jane delacruz