sampol ng init dito

site update: tumatakbo na uli ang dyipni, inilipat ko ito mula sa i.ph at ginawa ko ng isang sub-domain dito sa aking domain.

Temperaturapara doon sa mga nag-iisip na baka “too much drama” lang ang kwento namin tungkol sa init dito sa kaharian, mag-isip kayong mabuti.

tingnang mabuti ang larawan sa kanan, hindi po basahan yan, iyan po ay hinubad kong polo. let me give you an idea kung paano naging ganyan kabasa ang aking polo. outside temperature: 37°c, humidity: 65%. that day bumaba ako galing sa isang air-conditioned bus (o coaster), naglakad ng 2 blocks mula sa kanto papuntang bahay (more or less 100 meters), umakyat ng 3 palapag paakyat ng kwarto & presto daig ko pa ang naligo sa ulan.

basang polosabihin na nating nakarating ka ng payapa sa kwarto kahit na basang-basa ka ng pawis, sasalubugin ka naman ng kulob na init sa loob ng silid. kung ikaw pa ang magbubukas ng aircon, siguro mahigit 40°c ang aabutin mong temperatura at matagal pa bago ito lumamig.

tingnang mabuti ang larawan sa kaliwa, kuha ito sa loob ng kwarto namin. imagine 2hp ang aircon at pasado alas-9 na ng gabi ay 32.9°c pa rin ang temperatura sa loob ng bahay. nasa rooftop kasi ang room namin kaya darang sa init, sa tingin ko rin, kailangan na ng maintenance ang aming aircon.

ngayon, meron na kayong idea kung gaano kainit dito sa kaharian. “oven” temperature na daw nga ito e, malapit na kaming ma-bake.

6 Responses to “sampol ng init dito”

  1. haha.. grabe talaga, mas mainit ata ang september? pero konteng tiis na lang at lalamig narin naman na dyan…

    dito rin mainit kahit naulan ng madalas, ewan ko kung bakit. Buti nga dyan mura ang kuryente. Dito eh lugi ka.

  2. wow.. ang init nga kuya!!!

    well-done na ba kuya? hehehe.. :)

  3. Grabe pala talaga ang init dyan pre!, eh pawisin pa naman ako siguro kung andyan lagi marami labahin ko at puro amoy pawis. :)

  4. Naku ha ang init nman pala jan… dapat mag naked nalang kayo… pag tulog.. hahah joke lang !

  5. wow grabe nga ang init dyan. huwag ka sanang ma-bake.:grin:

  6. naku.. had my share of 45deg sa cairo… nosebleed ako pare kasi nga lahat ng flats duon naka-aircon.. paglabas mo impiyerno.

    bring water nalang palagi pre and basain mo kaunti parts ng head mo. zimm

Leave a Reply