techie buff

i’m always amazed by technology. madali akong mapabilib kapag may bagong teknolohiyang lumalabas and kung kaya ko rin namang bilhin bibilhin ko talaga.

naisip ko nga parang ang dami ng pera ko ang napunta lang sa pagbili ng bagong gadget. naalala ko nung nauso ang pager, bumili ako ng pager and then para lang may ma-receive akong message i will call my friedns to page me. nauso naman ang uhf radio sa cavite, bili ako, nag-set up pa ako ng cp-22 na antenna. tapos nauso ang car-phone, ung cellphone na may kasamang bag, bumili din ako noon tapos extelcom ang linya. useful sa akin dahil wala pa kaming landline noon pero ang problema, di ko naman madala sa labas, so i bought a motorola analog phone [micro-tac] this time smart ang linya ko. ala pang isang taon phase out na ang analog phone so ayun bili naman ako ng 3210, putek 8k pa yun dati. nang makarating ako dito sa saudi, goodbye 3210 hello 6610 colored na tapos polyphonic pa ung ringtone.

then came cameraphone, bili naman ako ng 6600 pero nung nagbakasyon ako na-arbor ng bunso namin so eto ako ngayon ako balik sa 6610. marami akong binili na parang ewan, di ko man lang na-appreciate ng husto. ung 128mb na mp3 player which later on pinalitan ko ng 5gig [which i love so much].

you might be asking bakit ko sinulat to, you might think na nagyayabang lang ako. ganito kasi, may lumapit sa akin kahapon, i know na may ipinagyayabang lang sa akin. display to death ang kanyang bagong bili na 7610, deadma lang ako. siguro para mapansin ko, pinatugtog n’ya and sabi “bakit kaya ang hina ng sounds nito?” duh! cellphone yan no! hindi mini-component. pinigil ko na lang ang sarili ko na mag-comment, as if na ala akong alam.

naisip ko lang, kung gusto pala n’ya ng malakas na tunog dapat bumili siya ng component o kaya naman mp3 player tapos saksakan n’ya ng malaking speaker, ung creative na 7.1 para dumadagundong. correct me if i’m wrong, pero ang cellphone primarily ginagamit na pantawag diba? well except sa cellphone ko na pwede nang i-break ang record bilang pinakamahal na alarm clock sa buong mundo, yan na lang ang silbi n’yan kasi ala namang natawag sa akin o magtext man lang.

what i’m trying to say is, parang nahihili na lang tayo dahil bago, maganda etc. etc. pero di na natin na-a-appreciate ung use ng isang gamit. sabi nung isang nepali sa akin, bakit daw tayong pinoy halos buwan-buwan nagpapalit ng cell tapos utang naman daw ng utang.

i don’t know kung part na ba ito ng chopsuey culture natin. ipokrito naman ako kung sasabihin kong ayaw kong bumili na cell na may cam, gusto ko rin, pero not now. i still have some other priorities and ayaw kong mangutang para lang makabili ng bagong gadget. :)

Leave a Reply