tenants
meron kaming tenants, isang pamilya pero wala ang tatay nila, paminsan minsan lang siya kung dumalaw (baka may ibang jowa). sabi nung room mate ko, siya daw ang dating nakatira doon, matapos umalis yung previous occupant, doon na siya tumira, na-pwersa lang siyang umalis noong lumipat na kami. na-evict siya sa bahay ni kuya.
nakaka-awa kasi minsan mapapansin mo sigaw ng sigaw ‘yung nanay, parang gustong pumasok, parang nagwawala. nako-konsensya tuloy ako, siguro kung hindi dahil sa amin, siya pa rin ang naka-tira sa bahay na ito. para naman mabawasan ng konti ang aking guilt, minsan kapag nagluto ako, inaabutan ko sila ng pagkain.
gusto kong ipakilala sa inyo ang aming tenant:

hehehehe! wala akong maisip na pangalan sa alaga naming yan. actually 4 ang anak n’ya kaya lang nasa galaan yung isa. don’t you worry, di naman sila nag-aaway nung alaga naming daga.


ang babait naman ng mga alaga nyo… harmless sa mga daga.
master kapag nanganak uli yang tenant nyo pwede bang umampon ng isa? kelangan ko kasi sa bahay ko para may kalaro ang mga kmu (kilusan ng mga unggoy)
ako na lang magbibinyag sa kanila
mother ~ Mingming
~ ini
~ mini
~ meine
~ mo
then iyong 4 kätzen:
*huwag lang sanaying kumain ng tinik huh!
Ang sweet sweet nman ng mga alaga mo, kasing sweet mo. parang nakikita ko na in d future, magiging gud father ka… tsk.tsk.tsk. ang layo ata no? totoo nga. kc andun ung malasakit mo sa family.
Kc nakikita ang tunay na ugali ng isang tao, sa maliliit na bagay. yan ngang pusang gala pinatira mo sa bahay nyo, pano pa kaya ung iba hindi ba? ok lang ba makitira ako jan? sabay ganon eno!!
kung kaya kolang liparin ang patungo kung nasan kaman gagawin ko para lang… mahiram ang pusa mo… heheh!!
@misty, sige ipapabagahe ko ung isa.
@SSS, pag-iisipan ng board of judges ang suggestion mo.
:cool:
@TK, sige punta ka dito, walang tagapagluto ng pagkain ang daga namin e.
oi penge naman. ang dami naming alagang daga dito. gusto namin mabawasan.
Patay, at ako raw ang nautusang magluto. zero ang grade ko jan eh! taga-kain lang din ako! waaaaaaaa… wawa ung asawa ko no? pero ok lang un dahil sa paglalaba at pamamalantsa e excellent ako.. pwede na un dba? bayad utang! heheh!
Bakit nga ba ang daming pusa dito sa saudi no master? Ang bilis nilang dumami.
@jong, daming pusakal (pusang kalye) jan sa atin, mamulot ka na lang! hehehehe! wag lang ung naka-sako na!
@TK sige pwede nang taga-plantsa, ung laba madali na lang un meron naman kaming makinang panlaba.
@ann, oo nga at ang lalaki pa, sa kampo namin dati may alaga din akong pusa.
Kaya nga excellent ako master sa paglalaba at pagplantsa kc nga e meron din kaming dambuhalang washing machine at ipagpag molang ang damit galing sa nagbabagang dryer, ala ng lukot dba?! tapos na trabaho ko!!!
marami talaga pusa dito… ang iba nga eh parang aso na mabalbon din…
mabilis silang dumami dahil ang mga lalaking pusa ay… parang mga ano rin ah ano nga ba… hmmm parang resident din ng lugar na to..
malili_ _ _… sila hehehe.. kaya mabilis dumami.
master wala ung isang anak ng pusa.. kasi kasama ko sa galaan…