Visit at the Memorial Garden
Naging kaugalian na nating mga Pinoy na alalahanin ang mga kamag-anak na namayapa na tuwing sasapit ang November 1. Since magkahiwalay ang libingan ni Lolo at Lola, we decided to visit Lola yesterday (October 31) at mamaya naman si Lolo.

Medyo sosyal ang libingan ni Lola Ising kumpara kay Lolo, nasa Eternity Memorial Garden si Lola, medyo may datung pa kami kaya nailibing siya doon.

Nakisama naman ang weather sa amin, hindi masyadong mainit at hindi naman din umulan. Makikita mo rin na busy ang karamihan para maisaayos ang libingan ng kanilang mga mahal sa buhay.


Nagsilbing mini-reunion ng mga magpipinsan ito, ginawa naming picnic ground ang puntod ni Lola.

Well, di ko palalampasin ang araw na ito para subukan ang aking Infared filter at nagkuha ng ilang infrared shots. Hindi ideal ang panahon para sa infrared photos, medyo cloudy kasi, pero meron pa rin kahit paano.

Mamaya, I will try to visit Lolo & maybe balik sa Eternity to shoot some night photos.



sa Loyola kami nagpupunta dahil dun nakalibing ung lolo ko.. kapag Nov. 1, grabe ang dami ng tao, kaya madalas kaming maligaw!!!
hindi ba holga(?) yung gamit mo sa taas?
hi ricky…
nasa cavite ako kahapon to visit my hubby’s granda tomb din…
Hi, Rick! Nice photos here. Sayang, hindi pala magkasama ang puntod ni Lolo at Lola. Pero ayos lang, magkasama pa rin naman sila don sa itaas…
Mukhang maganda yata ang infrared filter. Pero wala pa akong balak bumili niyan. Hindi ko pa yata magagamit ngayon…
Napansin ko may mga qoutes ka rin pala from Ansel Adams sa header mo. Meron din akong quotes niya sa header ko