your basura, no problema
siguro walang nakaka-alala ng linyang yan, galing yan sa pelikula nila bosing vic sotto at joey de leon na sam en miguel.
siguro yan din ang sinabi ni tita glo kay japanese prime minister koizumi noong pinirmahan nila ang japan-philippines economic partnership agreement (jpepa), nakapaloob kasi sa tarantadong tratadong1 ito na alang buwis (zero tariff) para sa “toxic & hazardous waste” na ireregalo ng bansang hapon sa pilipinas para naman i-enjoy natin.
ang sweet nila diba? akalain mong regaluhan pa tayo, what did we do to deserve such good will from our neighbors? tang ina n’yo! basura nga namin di alam kung saan itatapon eh! galit na galit na nga ang mga taga-cavite sa tangkang itapon ang basura ng maynila sa lugar namin.
seriously, i don’t think we deserve to be the world’s dumpsite. marapat nating tutulan ang pagraratipika ng tratadong ito.
please see the other articles regarding this issue indymedia.org, gloria’s enchated kingdom, inq7.net
sponsored link: Tattoos
[tags]dump, dumpsite, environment[/tags]
- treaty po sa ingles [↩]



Mga sira-ulong mga hapones talaga yan. Wala ding pinagkaiba si Gloria. Pinirmahan niya iyon?! Naturingang may doctoral pa naman sa economics, tagilid mag-isip.:roll:
Dapat lang talaga tutulan ang tradadong ito.
master,
shock ang beauty ko! i mean, mega-work tayo outside of PI, hoping to come back sa ating lupang hinirang, blue and green, tapos eto???
I can’t seem to understand that Japan, being an economic powerhouse, can only export TOXIC waste to the Philippines!
Eto naming ARROYO, for all her Georgetown economics degree trumpeting, eto pa ang pinirmahan sa Finland. HOY GLORIA! Ano ba ang nasa utak mo?!
ANOTOOOO?!
Kinukulang ba tayo nang basura sa Menila? Kulang pa ba yong Smokey Mountain? I mean, just go around Metropolitan Manila at ga-bundok and basura all over the place! TOXI WASTE? You don’t have to go anywhere. Mamangka ka na lang sa Ilog Pasig and ask yourself bakit walang talangka, hipon, tilapia at paru-paru doon? Any guess? Go kayo sa creek dito sa liked nang SM City in Sta. Mesa, get nyo? An daming nakalutang! And we still have to import and graciously agree for Japan na ipadala ang kanilang tae sa atin?!
San Pedro!
San Agustin!
San Juan!
Ave Maria!
Todos Los Santos!
Tulungan nyo po kami sa mga kabalbalang policy at kung ano anong pinipirmahan nang gobyerno natin sa mga punyetang bansang inaapi ang ating kulelat na bansa sa mundo pagdating sa economiya!
Why not export our garbage sa Okinawa. Tingnan nga natin kung ano ang magiging reaksyon nang mga hapones na to?!
O kaya wag na lang dun!
Export mo kaya tae nang Manila sa bayan ni Gloria? Will they jump with joy and clap their hands?!
Reyna Elena
“Ayoko nang Koronang Basura”
http://www.reynaelena.com
Hwag namang itapon sa atin.
Our tourism campaign will be affected. Please study this scenario…
Pag may nagkasakit na tao dahil sa basura na yan…( kahit nga po wala yang basura na yan may nagkakasakit talaga) at pinapyestahan ng media, sasabihin pa na dahil sa mga itinapong toxic waste… wala na namang pupunta sa Pilipinas. Masasayang ang kampanya ni Sec. Ace na “Philippines. Your Home in Asia”.
Pakiusap lang po ito.
Request na lang muna natin yung Cultural exchange program nila kasi sa kanila pag may corrupt officials.nagre resign ( sa movie nga nagpapakamatay pa). Baka mamana natin yun,mukhang yun ang sikreto nila (nauubos yung taong Bad) kaya maunlad na sila. Mahal kasi nila bansa nila. Yung mga ibang local leaders ngayon puro sarili muna bago Bansa.
Kaya yan mahirap pa rin ang Pilipinas.
Pero di naman lahat corrupt ha! Meron pa rin namang bayani.
Ok salamat sa inyo pagbabasa.